Ilang oras na lang ikaw ay lilisan
Iiwanan kaming iyong mga kaibigan
Kung maari nga lang ikaw ay mapigilan
Ginawa na namin kahit magkamatayan man.
Ngunit kami ay wala namang magagawa,
Pag nalaman ng Ina mo, aba’y nakakabahala,
Kaya ihahandog na lamang sa iyo’y munting tula,
Nawa’y basahin nang sa tuwina’y kami’y magunita.
Tunay ngang bawat tao ay nais magkaroon ng kaibigan,
Isang kasamang malapit sa kalooban,
Kaya anong saya namin nang ikaw ay matagpuan,
Naging kasalo sa lahat ng kasayahan.
Tila lahat ng kaibigan at kakilala ma’y walang masabi sa iyo,
Puso mo’y busilak, kaylanma’y hindi naging bato,
Ikaw ay napagtitiwalaan ng mga lihim naming damdamin,
Napagdudulungan maging ng aming suliranin.
Pagkatao mo nga rin ang unang naging dahilan,
Kung bakit maraming dalaga ang sa iyo’y nahumaling,
Anong palad nga raw ng iyong magiging kasintahan,
Kung ikaw sa kanya’y magsimula nang maglambing.
Subalit hindi lamang ang kalooban mo ang aming napansin,
Napagwari din naming kung gaano ka kagaling,
Sa klase man o sa kahit anong events,
Nariyan lagi ang mukha mo, hindi maaring alisin.
Isa pang bagay ang hindi namin malimutan sa iyo
Ay ang mga mali-mali mong lyrics at ang iyong mga biro,
Naku! Sino nga naman ang hindi matatawa,
Sa paghirit mo kasi’y, mukha mo’y nagiging tanga2x.
O Benjamin! Kaibigan…Sa iyong pag alis,
Baunin mo sana maliligayang nating sandali,
Mga tawanan, seryosohan, at halakhakan isamang ibihis,
At ang mga ngiti na dulot mo rin sa amin ay hindi maghahapis.
Paalam na Benjamin, sarili mo ay ingatan.
Mga panalangin sa Panginoon ay huwag na huwag malimutan,
Upang sa tuwina’y ikaw ay kanyang magabayan,
At malay natin, itulot Niyang makasama ka naming muli kaibigan.=)
-ire’10
Ang paalam ay hindi nangangahulugang magpakailanman.!
5:06 pm November 4, 2010
1 comments:
weh.....
Post a Comment
Write your comments...